Batikos ni Pangulong Duterte sa COA hindi personal

Matapos batikusin sa harap ng publiko,  kumambyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Audit.

Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nitong naghahayag lamang siya ng kanyang personal na saloobin.

Ikinadidismaya ng Pangulo ang inilabas na report ng COA na pumupuna sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health.

Ayon sa Pangulo, batid niya na tungkulin ng COA na kailangang i-audit ang pondo ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan dahil utos ito ng batas.

Sinabi ng Pangulo, wala siyang personal na galit sa COA at sinabing hindi sila magkakilala.

Nakalulungkot lang ayon sa Pangulo na dahil sa mga inilalabas na report ng COA mayroong mga repercussion ang mga tanggapan ng pamahalaan.

Pinupulitika kasi aniya ang isyu.

Pero ayon sa Pangulo, tanggap niya ito dahil bahagi ng Pilipinas ang kalayaan na bumatikos.

 

READ NEXT
Read more...