163 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police.

Base sa talaan ng PNP, 163 na bagong kaso ang naitala kahapon.

Sa kabuuan, nasa 33,184 na personnel na ng PNP ang nag-positibo sa naturang sakit.

Nasa 31,317 naman ang naka-rekober habang nasa 1,768 ang active cases.

Nanatili naman sa 99 ang bilang ng mga nasawi.

Read more...