President Xi pinasalamatan ni Pangulong Duterte sa mga Sinopharm vaccines

(Palace photo)

Mananatiling neutral ang Pilipinas sa geopolitics issue.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping kasabay ng pagpapasalamat sa China sa pagdating ng 739,000 doses ng COVID-19 Sinopharm vaccines.

Dumating ang mga bakuna kahapon na bahagi ng isang milyong doses na pangakong donasyon ng China sa Pilipinas.

“That even though in these challenging times of geopolitics, Philippines will stay neutral and remain true to what we have guaranteed China at least during my term,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang mga ibinibigay na bakuna ng China ay patunay ng matibay na relasyon ng dalawang bansa.

 

Read more...