Inirekomenda ni Senator Nancy Binay ang pag-aalok ng libreng COVID 19 testings sa mga matataong komunidad, kung saan maituturing na madami ang may taglay ng nakakamatay na sakit.
Diin niya higit na kailangan ang screening at testing para mapigilan pa ang pagkalat ng COVID 19 alinsunod sa bilin na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH).
“Kulelat pa rin tayo. Why are we not testing enough? What happened to the target of 90k-100k tests daily? Given the country’s low testing capacity, how can we be effective in isolating carriers and spreaders? Yung patuloy na paglala ng pandemya, napaka-crucial ng testing sa mga komunidad,” dagdag nito.
Dapat aniya mas marami ang sumailalim sa testing bagamat hindi naman kinakailangan na lahat ay masuri sa mga lugar na nasa ‘hard lockdown’ o itinuturing na ‘critical.’
“Localized community testing, contact tracing and disease surveillance should automatically be part of the zoning containment strategy. Sabi ng DOH, pwede ang antigen testing lalo na sa level-4 at level-3 na mga areas. Kung may nakapasok nang Delta variant, dapat RT-PCR tests should immediately be conducted. Sayang lang ang ilang milyong pisong binili ng gobyerno na antigen test kits dahil di pwedeng gamitin ang antigen sa genome sequencing lalo na sa bagong variants,” punto pa ng senadora.