Mga ahensiya na napuna ng COA ang paggasta dapat talagang magpaliwanag – Go

PCOO photo

Hinimok ni Senator Christopher Go ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na linawin at ipaliwanag ng husto ang paggamit ng kanilang pondo.

Partikular na aniya ang mga paggasta ay pinuna ng Commission on Audit (COA).

“Kaya ang apela ko rin sa lahat ng may kinalaman sa paggasta ng pondo ng bayan, dapat ipaliwanag ninyo nang maayos, kumpleto at madaling maintindihan ng tao. Kapag naklaro na lahat ng mga isyu na ito, mas matututukan natin ang tunay na kalaban — ang COVID-19 at ang hirap at gutom na kasama nito,” sabi nito.

Pagdidiin niya, pinanindigan niya ang kanyang posisyon laban sa katiwalian at korapsyon .

“Kahit sino ka man, kahit saan ka man nanggaling, basta may anomalyang mapatunayan ay dapat may mananagot,” aniya.

Suportado aniya niya ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga natuklasan ng COA sa paggasta ng Department of Health sa kanilang COVID 19 funds.

 

Kasabay nito, hiningi din niya ang buong paglilinaw at paliwanag ng COA sa kanilang mga obserbasyon sa paggasta ng pondo ng ibat-ibang ahensiya.

Read more...