AFP, natukoy na ang 50 sundalo na nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu

PHOTO COURTESY: ARMY 11TH INFANTRY DIVISION

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), katuwang ang PNP-SOCO, ang lahat ng 50 sundalo na nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu.

Kabilang sa mga natukoy ng mga awtoridad ay sina Cpl Dexter Estrada, Cpl Reynel Matundin, Cpl Gulam Ismael, PFC Bengie Malanog, Pvt Ian Azuelo, Pvt Erwin Canton, Pvt Mansueto Lingatong III, Pvt Mar Jhun Capagngan, at Pvt Michael Dalore mula sa Philippine Army, at A2C Glen Mar Biscocho mula sa Philippine Air Force.

Naibiyahe na ng AFP ang mga labi ng mga sundalo sa kani-kanilang pamilya sa iba’t ibang lalawigan.

Nakiramay naman ang AFP sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo.

Tiniyak ng AFP na magbibigay sila ng mga kinakailangang suporta at tulong, at maging ang benepisyo.

“The memories of our brave comrades who paid the ultimate sacrifice will live on not only in their families but throughout the military organization who continues to risk everything to achieve just and lasting peace for our nation,” saad pa ng AFP.

Matatandaang bumagsak ang C-130 Hercules plane sa Patikul, Sulu noong July 4, 2021.

Read more...