13 pang Filipino, nakaalis na sa Afghanistan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may karagdagang 13 Filipino na nakaalis sa Afghanistan at nakapunta sa United Kingdom.

Kasunod nito, umabot na sa 18 ang bilang ng mga Filipino na nasa United Kingdom.

Sinabi ng kagawaran na inaayos na ng Embahada ng Pilipinas sa London ang kanilang pag-uwi sa bansa sa lalong madaling panahon.

Nagpasalamat naman ang DFA sa gobyerno ng Indonesia sa pag-asiste sa limang Filipino upang pansamantalang manuluyan sa Indonesian Embassy sa Kabul at na-accommodate sa isang Indonesian military flight.

Tiniyak ng kagawaran na patuloy silang kikilos upang mapauwi ang nalalabing Filipino sa Afghanistan.

“Those remaining are once again advised to be prepared to depart with a moment’s notice,” saad nito.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: isbpeatn@gmail.com

Read more...