Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (August 20), pumalo na sa 1,807,800 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 123,251 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 17,231 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa simula nang magkaroon ng pandemya.
94.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.2 porsyento ang asymptomatic; 0.86 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 317 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 31,198 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,595 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,653,351 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.