Sinabi ni Zarate na layon lang naman niyang mabawasan ang pasanin ng mga konsyumer na aniya ay hirap na hirap na rin dahil sa pandemya.
Himutok ng mambababatas, hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang power distributor sa kanyang apela.
Kasabay nito, sinabi ni Zarate na nagmimistulang walang silbi ang regulatory agencies, ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), para pigilan ang pagtaas ng halaga ng kuryente dahil sa EPIRA o Electric Power Industry Reform Act.
“This is the problem with EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) and the deregulation, our regulatory agencies, DOE & ERC, are apparently becoming or made useless or inutile to prevent these increases in the midst of grave crisis aggravated by the pandemic,” sabi ng mambabatas.
Ikinalungkot din ni Zarate na mas inuuna ng Meralco ang kikitain nito kaysa kapakanan ng kanilang mga consumer at aniya hindi ikakalugi ang dapat na dagdag-singil dahil noong nakaraang taon at kumita pa ang power distributor ng P21.7 bilyon.