Tuluyan nang nawalan ng pang-amoy at panlasa si Manila Mayor Isko Moreno.
Ito ay matapos mag-positibo sa COVID-19 ang alkalde.
Ayon kay Doktora Grace Padilla, ang officer-in-charge hospital director ng Sta. Ana Hospital, ito na ang ikalimang araw matapos mag-positibo si Mayor Isko sa naturang sakit.
Ayon kay Padilla, ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ni Mayor Isko ay bahagi ng COVID-19 disease spectrum.
Kahit walang pang-amoy at panlasa, sinabi ni Padilla na maayos naman ang appetite ng alkalde.
Minimal na rin lang aniya ang body pain na nararamdaman ni Mayor Isko at patuloy na umiinom ng pain reliever.
Komportable at maayos naman aniya ang lagay ng alkalde.
Sinabi pa ni Padilla na stable naman ang vital signs ng alkalde.
Sumailalim muli kanina si Mayor Isko sa blood test at chest xray at maayos naman ang resulta.