582,500 doses ng AstraZeneca dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 582,500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.Dumating ang mga bakuna kaninang 9:20 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng China Airlines flight CI701.

Nabatid na ang mga dumating na bakuna ay bahagi ng 6 na milyong doses na binili ng pribadong sektor.

Aabot na sa 45 milyong doses ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.

 

Read more...