Phivolcs nagbabala ng volcanic smog mula sa ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal

Kuha ni Jomar Piquero

Nagbabala ang Phivolcs sa mataas na pagbuga ng volcanic sulfur dioxide sa Bulkang Taal.

Sinabi ng ahensya na umabot sa 15,347 tonelada ang unang sukat ng ibinugang sulfur dioxide sa Taal Main Crater, Huwebes ng umaga (August 19).

Simula pa noong August 13, mataas na ang ibinubugang sulfur dioxide kung kaya’t may nasa 8,351 tonelada kada araw ang average nito.

Maari anilang lumikha ito ng volcanic smog na babalot sa kalakhang Taal Caldera.

Ayon pa sa Phivolcs, kasabay nito ang pagsingaw ng steam-rich plume na may taas na 1,000 hanggang 3,000 metro mula sa Taal Main Crater.

Nakakatanggap din ng mga ulat ng Phivolcs ng mga naging masamang epekto sa ibang residente ng Talisay at Barangay Barigon, Agoncillo sa Batangas.

Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa nasabing bulkan.

Read more...