JaMill, binura na ang kanilang YouTube channel

Photo credit: @jamillph/Instagram

Binura na nina Camille Trinidad at Jayzam Manabat o mas kilala bilang vlogger couple na JaMill ang kanilang YouTube channel.

Inanunsiyo ito ni Trinidad sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account.

“JaMill is now signing off. Pero Jayzam & camille is Infinity,” tweet ni Trinidad.

Paliwanag nito, binura ang naturang channel para sa kanilang relasyon.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” saad nito.

Nagpasalamat naman ang magnobyo sa mga sumuporta sa kanila sa YouTube.

Read more...