3 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine dumating sa bansa

Screengrab from PTV Facebook video

Dumating na sa Pilipinas ang dagdag na tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Lumapag ang eroplanong may dala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Huwebes ng hapon.

Ang naturang batch ng bakuna ay bahagi ng 26 milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Ito na ang pinakamalaking single day shipment ng bakuna na dumating sa bansa.

Read more...