Base sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,280 kilometers Silangan ng Northern Luzon dakong 4:00 ng hapon.
Napanatili nito ang taglay na lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers per hour sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.
Sa ngayon, walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.
Sinabi ng weather bureau na hindi pa rin direktang nakakaapekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahang mananatili ang sama ng panahon bilang tropical depression at hihina bilang low pressure area (LPA) sa Lunes o mas maaga pa.
Ayon pa sa PAGASA, posibleng lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng umaga o hapon.