Panukalang tanggalin ang pagbabawal na makalabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado, hindi isinasantabi ng Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malakanyang ang suhestyon ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na tanggalin na ang pagbabawal na makalabas ng bahay ang mga taong hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring pag-usapan ang panukala ni Concepcion kung maabot na ang 50-percent population protection.

Sa ngayon kasi aniya, minorya pa lamang sa populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated.

“We appreciate the suggestion po, pero siguro pag-usapan natin iyan kapag mayroon na po tayong population protection. Kasi ngayon po, papunta pa lang tayo sa population protection na 50%. Siguro po kapag naabot na natin ang 50 puwede na nating pag-usapan iyan pero sa ngayon po eh minorya pa lang po ang fully vaccinated,” pahayag ni Roque.

Pakiusap ni Roque, kaunting panahon na lamang ito dahil maaring maabot na ng Metro Manila ang 50 porsyentong population protection sa loob ng linggong ito.

“Sandali na lang naman po ito ‘no, siguro after this week ay maaabot na ng Metro Manila ang 50% at mayroon na tayong kahit papaanong population protection, we can then explore how we can resume normal life given na kalahati ng populasyon ng Metro Manila ay bakunado na. But point well taken po,” pahayag ni Roque.

Read more...