BREAKING: 14,895 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa loob ng isang araw

Halos 15,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 19), pumalo na sa 1,791,003 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 111,720 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 14,895 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

95.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.8 porsyento ang asymptomatic; 0.87 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 258 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 30,881 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,248 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,648,402 o 92.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...