Comelec, pinalawig ang voter registration hours

Pinalawig ng Commision on Elections (Comelec) ang oras para sa voter registration.

Base sa anunsiyo ng komisyon, magbubukas ang voter registration simula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Tuwing Sabado at holiday naman, maaring makapagparehistro mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Sinabi ng Comelec na epektibo ang bagong voter registration schedule simula sa Lunes, August 23.

Read more...