Road reblocking sa EDSA, isasagawa sa weekend

Abiso sa mga motorista.

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa EDSA sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantalang hindi madadaanan ang ilang kalsada simula 11:00, Biyernes ng gabi (August 20).

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA-Caloocan (Southbound) pagkatapos ng B Serrano Street (3rd lane mula sa sidewalk)
2. EDSA-Makati (Northbound) bago ang Ayala tunnel (5th lane)

Muli namang bubuksan ang mga nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (August 23).

Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Read more...