Pumalo na sa 29.12 milyon katao ang nabakunahan na konrta COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa naturang bilang, nasa 16.25 milyon ang naturukan ng first dose.
Aabot naman sa 12.87 milyon ang naka-second dose na.
Ayon kay Roque, pumapalo sa 445,824 ang daily jabs na nagagawa ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Roque na sa 12.87 milyong katao na ang nakakumpleto na ng bakuna, nasa 0.23 percent lamang ang nag-report na nagkaroon ng reaksyon sa bakuna pero ito ay mild lamang at agad na nalunasan at hindi na kailangang isugod sa ospital.
Wala aniyang dahilan para matakot sa bakuna.
Lahat aniya ng bakuna ay ligtas at epektibo.
Sa ngayon, mahigit 40 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES