Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilyang naulila ni Commission on Audit (COA) auditor Jake Cimafranca na namatay dahil sa heart attack.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil tayo ay mga Filipino, nakikiisa ang Palasyo sa pagdadalamhati ng pamilya at mga kaibigan ni Cimafranca.
Si Cimafranca ang auditor sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health (DOH) na pinuna ng COA dahil sa deficiencies.
Ayon kay Roque, kung mayroon mang kailangang tulong ang pamilya ni Cimafranca ay maaring ipagbigay-alam lamang sa kanya.
Namatay si Cimafranca noong August 4.
August 16 inilathala ng COA ang report sa COVID fund ng DOH.
Ayon kay dating COA Commissioner Heide Mendoza, na-heart attack si Cimafranca dahil sa stress sa kanyang trabaho.