Magpupulong ang United Nations Security Council sa North Korea sa Huwebes bilang tugon sa hiling ng United States.
Ayon sa mga diplomats, inilabas ang desisyong ito matapos magsagawa ng test-fire ng dalawang intermediate-range ballistic missiles ang Pyongyang.
Una dito, hinimok na ng UN ang North Korea na itigil na ang anumang pinaplano pang mga hakbang na magpapaigting lang ng tensyon tulad ng nasabing test-fire.
Ayon kay UN Secretary-General Ban Ki-Moon, ang mga ganitong hakbang ng North Korea ay labis na nakababahala.
Pumalya naman ang parehong missile tests ng North Korea noong Huwebes ayon sa isang opisyal ng South Korea.
MOST READ
LATEST STORIES