Isang grupo ng MILF, hindi boboto kung walang BBL

milf-logo-298x224Isang kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nagsabing isang political party ang hindi boboto sa halalan sa Mayo 9 dahil hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Aldullah Camlian, hindi pa rin nag-eendorso ang MILF ng kanilang kandidato sa halalan dahil na rin sa pagka-purnada ng BBL.

Gayunman, sinabi ni Camlian na miyembro ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na hindi naman pipigilan ng MILF ang kanilang mga kasapi na nais pa ring bumoto sa eleksyon.

Ang BTC ay isang komisyon na binubuo ng 15 miyembro mula sa pamahalaan at MILF na ang tungkulin ay ang gawing batas ang mga “agreements of parties, the Framework Agreement on the Bangsamoro, and its annexes as well as other agreements of the parties.”

Sinabi ni Camlian ang mga ito sa isang forum sa Dagupan City na inorganisa para sa mga plano ng mga tumatakbong kongresista ng Pangasinan tungkol sa usaping pangkapayapaan sa Bangsamoro.

Read more...