Kapitan ng barangay sa Batangas, binaril, patay

Crime scene2Patay ang isang barangay chairman sa lalawigan ng Batangas matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Bauan, madaling araw ng huwebes.

Ayon kay Batangas provincial police director Sr. Supt. Arcadio Ronquillo, pinaparada lamang ng barangay chairman na si Gilbert Alvar ang kaniyang motorsiklo sa harap ng isang bilihan ng burger sa Binay St., Barangay 3 sa Bauan ganap na 12:50 ng madaling araw nang bigla siyang barilin ng nag-iisang suspek.

Nadala pa si Alvar sa Dr. Mario Bejasa General Hospital, ngunit ani Ronquillo, pumanaw rin ito habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at kung may kinalaman ba ito sa nalalapit na halalan.

Read more...