Lagpas 4.40 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,405,890 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 641,346.
Sumunod na rito ang Brazil na may 571,703 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 433,063 naman ang death toll sa India habang 250,469 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 197,659
– Russia – 172,909
– United Kingdom – 131,260
– Italy – 128,579
– Colombia – 123,781
– Indonesia – 121,141
– France – 112,976
– Argentina – 109,652
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 210,131,857 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 188,244,306 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.