Manila VM Honey Lacuna lumabas na ng ospital, Mayor Isko bumubuti pa ang kondisyon

Nakalabas na ng Sta. Ana Hospital si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Base ito sa inilabas na Medical Bulletin No. 4 ni Dra. Grace Padilla, ang officer-in-charge Hospital Director.

Samantala, sa kaso naman ni Mayor Isko Moreno, sinabi ni Padilla na may pagbuti naman ng kondisyon ng alkalde.

“He is feeling much better from yesterday’s complaints of body pains grade 4/10. He gets up from his bed and can move around his room,” sabi ni Padilla.

May pag-ubo pa ito, ngunit walang sinat at stable ang kanyang vital signs, ayon pa sa doktora

Maayos din na nakakakain si Moreno, gayundin ang kanyang pagtulog sa ika-apat na araw ng pananatili niya sa ospital.

 

Read more...