“I stand corrected,” ang sabi ni Eleazar, na ibinahagi na kagabi ay nakipag-usap siya sa ilan sa kanyang mga ospital at naliwanagan ukol sa proseso ng paggasta ng pera ng mga ahensiya, gayundin ang mga ginagawa ng COA.
Inamin din ng hepe ng pambansang pulisya na nalaman niya na hindi naglalabas ng press statements ang COA at ang kanilang audit reports ay ipino-post sa kanilang website.
Sinabi pa nito na ginagawa na rin ng COA ang kanyang nabanggit kahapon sa pamamagitan nang pagpapadala ng kanilang ‘observations’ sa mga ahensiya para maayos ang lahat.
Kasunod nito, inatasna ni Eleazar ang lahat ng kanilang Police Regional Offices, National Administrative Support Units, National Operational Support Units at National Headquarters na paghusayin pa ang kanilang koordinasyon sa ‘resident auditors.’
Paliwanag niya ito ay para hindi pagdudahan ang PNP sa paggasta ng pondo at pag-isipan na may katiwalian sa kanilang hanay.