‘Tongpats’ sa COVID 19 cases ng mga ospital iniimbestigahan ng Philhealth

Sinimulan nang imbestigahan ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang mga kaso ng tinatawan na ‘upcasing’ ng mga ospital at healthcare providers ngayon may pandemya.

Ito ang sinabi ni Philhealth spokesperson Shirley Domingo at paliwanag niya ang ‘upcasing’ ay kung ang isang pasyente ay ginagawang COVID 19 patient para mas mataas ang reimbursements sa Philhealth.

“Minsan ubo’t sipon lang, or ibang sakit na na-hospitalized siya, tapos ginagawa siyang COVID para mapataas ang nakukuhang reimbursement galing sa PhilHealth,” ang sabi ni Domingo sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya iniimbestigahan na ng kanilang Legal Department ang mga ulat ng mga kaso ng ‘upcasing.’

Paglilinaw naman niya, binibigyan pa rin nila ng pagkakataon ang ospital na magpaliwanag.

Ayon pa kay maaring mabawi o suspindihin ang Philhealth accredidation ng ospital kapag napatunayan ang kaso ng ‘upcasing.’

Read more...