LPA sa labas ng PAR isa ng tropical depression – PAGASA

Nabuo ng isang tropical depression (TD) ang sinusubaybayan ng PAGASA na low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sinabi ni weather forecaster Chris Perez ito ay maaring pumasok sa bansa ngayon gabi o bukas ng umaga at tatawagin itong ‘Isang.’

Sa 4am update ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,630 silangan ng Central Luzon.

May taglay itong lakas na hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot ng hanggang 55 kilometro kada oras at kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahan naman, ayon pa rin kay Perez, na sa pagpasok nito ng PAR ay kikilos ito sa direksyon patungong Taiwan o southern Japan.

Ngayon maghapon ay inaasahan na magiging maganda ang panahon sa bansa bagamat maaring maging maulap sa Metro Manila na maaring makaranas din ng ambon o mahinang pag-ulan.

Read more...