Higit 670,000 OFWs, nakauwi na sa mga lalawigan – DOTr

Umabot na sa 670,100 na overseas Filipino workers (OFWs) ang naasistihan sa ilalim ng ‘Hatid-Tulong’ Program.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naitala ang nasabing bilang ng mga napauwing OFW hanggang July 16, 2021.

Sa nasabing bilang, 203,590 ay naihatid sa pamamagitan ng land transport at 352,540 naman ang air transport simula May 25, 2020 hanggang July 15, 2021.

Samantala, 113,970 OFWs namam ang nakauwi naman via sea transport mula April 27, 2020 hanggang July.

Pinangunahan ng DOTr ang naturang programa katuwang ang Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read more...