67 healthcare workers sa Tuguegarao City positibo sa COVID-19

Aabot sa 67 healthcare workers na ang nag-positibo sa COVID-19 sa Tuguegarao City.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na naka-quarantine na ang mga healthcare workers.

“Kina-quarantine namin sila after one week na duty, quarantine for another ten days and then another one week to the family, and then saka na naman po babalik sa duty po. So ikot po talaga iyan, but 67 na po na healthcare workers ang infected with COVID ngayon,”

Ayon kay Soriano, may mga symptomatic sa mga healthcare workers pero mild lamang ito.

Ang iba ayon kay Soriano ay mgaasymptimatic.

“Iyong 67 healthcare workers po natin, sa awa po ng Diyos, asymptomatic po at symptomatic mild po ang karamihan. Siguro 99% sa kanila ay asymptomatic or symptomatic mild,” pahayag ni Soriano.

 

 

Read more...