Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 18), pumalo na sa 1,776,495 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 105,151 o 5.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 11,085 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.0 porsyento ang asymptomatic; 0.91 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 161 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 30,623 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 11,628 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,640,721 o 92.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.