Sen. Grace Poe: Hindi ba dapat suspindihin na si Sec. Duque?

Diretsahan na tinanong ni Senator Grace Poe sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commiittee kung hindi pa dapat suspindihin si Health Secretary Francisco Duque III.

Ipinaalala ni Poe na noong nakaraang taon ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires ang preventive suspension ng walong matataas na opisyal ng Philhealth at limang opisyal ng DOH dahil sa mga isyu kaugnay sa paggamit ng pondo ng bayan habang may pandemya.

“Shouldn’t Sec. Duque be suspended by now if you’re going to apply the same judgment as what happened to the PhilHealth executives?” tanong ng senadora.

Pagdidiin niya kailangan may managot sa natuklasan ng COA ukol sa paghawak ng DOH ng kanilang pondo.

“The fact that we can’t even go out of our homes—are we happy with what is happening? Are the medical frontliners happy with what is happening to them? Somebody must be held accountable,” diin ni Poe.

Binanggit niya na sa 2020 COA report, kabuuang P11.89 bilyon ang hindi pa natukoy ang pagkakagastusan bukod pa sa P42.1 bilyon na ibinigay sa ibang ahensiya ng walang memorandum of agreement.

“Ito po ay hindi lamang kapabayaan, ito po ay kriminal,” giit pa ni Poe.

Read more...