Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (August 18), 32,760 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,983 ang aktibo pang kaso.
139 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 30,679 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 98 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES