Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 209,396,608 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 37,896,582 cases.
Sumunod na rito ang India na may 32,285,101 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,417,204 naman ang kaso sa Brazil habang 6,642,559 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,504,978
– United Kingdom – 6,322,241
– Turkey – 6,118,508
– Argentina – 5,096,443
– Colombia – 4,874,169
– Spain – 4,733,602
– Iran – 4,517,243
– Italy – 4,449,606
– Indonesia – 3,892,479
– Germany – 3,837,188
– Mexico – 3,123,252
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,394,983 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 187,684,843 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.