Pagpatay sa tabloid editor pinatutukan ni PNP Chief Eleazar

Inutusan ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang Quezon City Police District (QCPD) na masusing imbestigahan at agad na resolbahin ang pagpatay sa isang dating tabloid editor kahapon ng hapon.

Ayon kay Eleazar alamin at pag-aralan ang lahat ng maaring motibo sa pagpatay kay Gwenn Salamida.

Base sa mga paunang ulat, binaril at napatay si Salamida sa loob ng pag-aari niya beauty salon.

Diumano panghoholdap ang motibo at nanlaban si Salamida.

Binaril at nasa kritikal na kondisyon ngayon ang kasama ng napatay na biktima.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Eleazar sa lahat ng mga namumuno sa kanilang field offices at units na manatiling naka-alerto laban sa kriminalidad kasabay nang pagtitiyak na nasusunod ang minimum health and safety protocols.

 

 

Read more...