Globe may libreng load at roaming credits sa mga OFWs sa Afghanistan

Nag-aalok ang Globe Telecom ng libreng load at roaming credits para sa mga prepaid costumers na overseas Filipino workers sa Afghanistan.

Ayon kay Coco Domingo, vice president for Postpaid and International Business ng Globe, tulong nila ito sa mga OFW na hanggang ngayon ay hindi pa nakakaalis sa Afghanistan.

Ayon kay Domingo, ang libreng load at credits ay pwedeng gamitin para makagawa at makatanggap ng tawag at text sa kahit anong network habang nasa Afghanistan ang mga OFW.

Kailangan lamang aniya na siguraduhing naka-konekta sa Roshan, ang partner network ng Globe para sa roaming.

“Dahil sa sitwasyong ito sa Afghanistan, minarapat naming mag-alok ng tulong sa aming mga customers na naiipit ngayon sa kaguluhan. Patuloy naming itinataguyod ang pagkakaroon ng isang ligtas na kapaligiran kung saan ang aming mga customer ay maaaring kumonekta sa kanilang mga mahal sa buhay saan man sila naroon,” pahayag ni Domingo.

Para tumawag, i-dial ang “+” + country code + area code + numero ng telepono (hal. +63773101212) o i-dial ang “+” + country code + mobile number (hal. +639171234567). Para naman magpadala ng text, i-type ang “+” + country code + mobile number (hal. +639171234567).

Bumagsak na sa kamay ng puwersa ng Taliban ang Afghanistan.

Read more...