Forced evacuation, ipinatupad sa Valenzuela City

La Mesa
Kuha ni Erwin Aguilon

Patuloy ang paglilikas na isinasagawa sa Valenzuela sa mga residenteng nasa paligid ng Tullahan River.

Ayon kay Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Council Head, Arnaldo Antonio, karamihan naman sa mga residente ay hindi na nagmatigas nang sabihan silang kailangan nang magpatupad ng evacuation.

Karamihan aniya sa mga pamilyang inilikas ay mula sa Barangay Marulas.

Isa ang Marulas sa mga maaapektuhan sa sandaling umapaw na ang La Mesa dam.

Sa ngayon nasa 79.99 meters na ang water level ng dam. Nangangahulugan ito na 16cm na lamang ang kulang ay aabot na ito sa spilling level na 80.15 meters.

Samantala, inanunsyo na ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang suspensyon ng klase bukas sa lungsod para sa mga pampubliko at pribadong Kolehiyo at Unibersidad./ Erwin Aguilon

Read more...