Sinuspindi pansamantala ng US Embassy sa Pilipinas ang visa interview appointments nan aka-schedule hanggang sa Setyembre 30.
Sakop ng abiso ang may mga visa interview para sa non-immigrant B1 / B2 (Business/ Tourist) visas.
Ang hakbang ay bahagi ng pag-iingat bunsod ng tumitinding kaso ng COVID 19 cases sa buong mundo at proteksyon na rin sa mga empleado ng embahada.
Abiso sa mga naapektuhan na ang rescheduling ng nakanselang visa interviews sa US Embassy ay maaring gawin sa pagsisimula muli ng kanilang visa services.
Nilinaw din na walang sisingilin na anumang bayad sa muling pagkuha ng appointment para sa visa interview.
Paglilinaw din na ang pagbabalik ng visa services ay ‘country-by-country’ basis depende sa magiging abiso ng US State Department.
Samantala, magpapatuloy naman ang pagbibigay ng emergency and mission-critical visa services.