BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 1.76-M na; 10,035 ang nadagdag

Lagpas sa 10,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 17), pumalo na sa 1,765,675 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 105,787 o 6.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 10,035 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 0.9 porsyento ang asymptomatic; 0.90 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 96 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 30,462 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 10,858 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,629,426 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...