Naghain ng resolusyon si Senate Majority Juan Miguel Zubiri para mabusisi ang pagkakaantala ng multi-party agreements (MPAs) sa pagitan ng pambansang gobyerno at mga lokal na pamahalaan, gayundin ng pribadong sektor, sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Hinihimok ni Zubiri ang Senate Committee of the Whole on the Vaccination Program na alamin ang dahilan ng hindi pa rin pagkakapirma ng gobyerno sa isinumiteng MPAs ng LGUs at private sector na lubhang nakakaapekto sa vaccine rollout.
“I’ve had exhaustive consultations with several LGUs and the private sector, and their number one concern has been the delay on delivery and the unavailability of vaccines in far-flung areas. They have applied for MPAs with the national government, but these have remained unsigned and haven’t been acted upon,” diin ni Zubiri, ang pangunahing awtor ng Republic Act No. 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Diin niya, itinulak niya nang husto ang panukala dahil maraming lokal na opisyal ang lumapit sa kanila at hiniling na matulungan silang makabili ng sarili nilang bakuna.
Ito aniya ang dahilan kaya’t naglagay sila ng mga probisyon sa batas para mapayagan ang LGUs at pribadong sektor na makabili ng kanilang sariling mga bakuna.
Nabanggit ni Zubiri sa inihain niyang resolusyon na may LGUs at halos 300 pribadong kompaniya ang may nakabinbing MPAs para sa tinatayang 10 million doses ng COVID-19 vaccines.
“Here’s a situation where you have LGUs already administering the vaccines, and they are willing to buy more vaccines for their constituencies, at no cost to the national government. Hindi na kailangang maghanap or mangutang pa ang national government para sa pangangailangan ng mga LGUs for their vaccines,” sabi pa ng senador.