Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na tinakot ni Pangulong Rodrigo Duterte nang banatan ang Commission on Audit dahil sa pagsasapubliko sa audit report sa P67 bilyong COVID-19 fund ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpahayag lamang ang Pangulo sa pagkadismaya dahil nalagay sa masamang imahe ang DOH.
Wala aniyang isyu sa pahayag ng Pangulo dahil kung pagbabasehan ang COA report, napagduduhan ang DOH na mayroong korupsyon.
Nababasa din aniya ng Pangulo na mayrong pagkondena agad ang taong bayan sa DOH.
“Wala pong issue iyon ‘no. Pero I guess ang sinasabi lang ni Presidente frustrated siya kasi ang basa ng taumbayan sa initial observations eh mayroon nang condemnation. Eh hindi naman po ganoon ang proseso kasi pati sa COA alam nila na initial observations – sasagutin tapos saka sila magkakaroon ng final report,” pahayag ni Roque.