Comelec nagbabala na sa mga magkakasa ng electronic vote buying

Nagbabala na ang isang mataas na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nagbabalak na bumili ng boto para manalo sa eleksyon sa susunod na taon sa pamamagitan ng electronic payment system.

Sinabi ni Comelec Commissioner  Rowena Guanzon may ideya na siya ukol sa electronic payment at napaliwanagan na siya ukol sa proseso at sistema nito.

Dagdag niya humingi na siya ng tulong sa mga bankers at finance experts ukol sa maaring gamitin pamamaraan sa pagbili ng boto.

Diin ng opisyal may paraan ang Bangko Sentral ng Pilipinas para ma-monitor ang posibleng pagbayad kapalit ng boto.

Aniya dapat ay magsilbi na itong babala sa mga kandidato at sinabi nito na maaring may sumubok para mapatunayan ang kanyang sinasabi.

“This is a warning to politicians, know that you’re going to found out. If you think you’re 10 steps smarter than us, this vote buying through GCash is traceable by the Bangko Sentral,” giit ni Guanzon.

Read more...