10 modernized PUJs, inilunsad sa Sarangani

LTFRB photo

Inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – Regional Franchising Regulatory Office (LTFRB – RFRO) XII ang 10 na Class 3 Modernized PUJs sa Capitol Grounds sa bahagi ng Alabel, Sarangani Province, araw ng Lunes (August 16).

CDA registered at OTC accredited Cooperatives ng Sarangani Alliance for Reform and True Development (STARTed) ang mga bagong unit.

Binati naman ni RFRO-XII Regional Director Paterno Reynato Padua ang STARTeD para sa pakikiisa sa PUV Modernization Program.

Nagpasalamat din si Padua kay Gov. Steve Chiongbian Solon para sa buong suporta sa naturang programa.

Ipinaalala rin nito sa transport sector ang direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na walang bayad ang prangkisa.

Read more...