Imus Mayor Maliksi, nagpositibo sa COVID-19

Photo credit: Mayos Emmanuel Maliksi/Facebook

Hindi rin nakaligtas sa COVID-19 si Imus, Cavite Mayor Emmanuel Maliksi.

Sa Facebook, inanunsiyo ng alkalde na tinamaan siya ng nakakahawang sakit.

“Sa kabila ng ating labis na pag-iingat habang nagseserbisyo sa ating mga kababayan, ikinalulungkot ko pong ibalita na ang inyong lingkod ay positibo sa Covid-19,” pahayag nito.

Gayunman, tiniyak ni Maliksi na patuloy pa rin ang serbisyo sa mga residente ng Imus habang siya ay naka-isolate.

Sa ngayon, nagpapagaling ang alkalde sa South Imus Specialist Hospital.

“Mananatiling bukas ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa inyo lalo na sa kritikal na panahong ito,” dagdag nito.

Humiling naman si Maliksi ng panalangin para sa paggaling ng lahat ng maysakit.

Read more...