Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na walang napaulat na nasugatang Filipino sa tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batay ito sa inisyal na ulat ng Department of Foreigh Affairs (DFA).
Hindi aniya sa Port-au-Prince ang sentro ng lindo kung saan maraming Pilipino ang naninirahan.
Nagparating naman ng pakikisimpatya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Haitian government at sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol.
Sa ngayon, umabot na sa 1,297 ang bilang ng mga nasawi dulot ng nasabing pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES