LRT-2, balik-operasyon na matapos ang provisionary service dulot ng technical problem

Balik-normal na ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), bandang 4:20 ng hapon nagbalik sa full operations ang nasabing linya ng tren.

Bandang 11:53 ng umaga, nagpatupad ng provisionary service bunsod ng naranasang technical problem.

Sa kasagsagan nito, bukas lamang ang serbisyo ng LRT-2 mula Cubao hanggang Recto at Santolan hanggang Antipolo station lamang.

Read more...