Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 16), pumalo na sa 1,755,846 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 106,672 o 6.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 14,610 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 0.9 porsyento ang asymptomatic; 0.89 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 27 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 30,366 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,674 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,618,808 o 92.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.