Libreng sakay sa railway lines para sa mga APOR, tuloy pa rin

Mahigit 749,000 na agad ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 15, nasa 32,615 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 4,684 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 25,549 sa MRT-3 habang 2,382 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 749,055 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Read more...