Presyo ng diesel, kerosene magkakaroon ng rollback

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng pagtapyas sa presyo ng ilang produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may bawas na P0.30 sa kada litro ng diesel habang wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina.

Magkakaroon naman ng P0.40 na kaltas sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (August 17).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...